Sa naganap na Joint Hearing ng Senate and Lower House Committee on Urban Planning and Housing, na pinamunuan nila Senator JV Ejercito at Rep, Albee Benitez, nagkaisa ang mga kinatawan ng NAtional Goverment Agencies at mga opisyales ng Local Government na magkatuwang na pagtulungan ang pagsisikap na recovery effort para sa mga nabiktima ng super typhoon yolanda, isang taon ang makalipas.

“Nakakatuwa na sa pagsisikap natin dito ay nagkasama-sama kami kahit magkakaiba ang aming partidong pampultika, may UNA, NP, at LP. Mabuti na din na nagkaharap-harap kami lahat dito at nagkaisa na dapat nating pagtulungan ang lahat ng pagsisikap dito, sa halip na magkanya-kanya” pahayag ni Senate Housing Committee Chair Senador JV Ejercito

“Nakiisa kami sa Lower House sa pagsisikap na ito, para mapabilis natin ang pagsisikap na recovery ng ating mga kababayan. Mas mabuti na nandito kami lahat” pahayag naman ni Congressman Albee Benitez.

Sa naturang pagdinig, dumalo sila Senador JV Ejercito, Senador Bongbong Marcos, Congressman Albee Benitez, Congressman Kit Belmonte, Congressman MArtin Romualdez at mga kinatawan ng DILG, OPARR, DPWH, NHA, at iba pang ahensya ng pamahalaan. Nakadalo din sila Mayor Alfred Romualdez, at kinatawan ni Gov, Petilla.

Ang naturang Senate Committee Hearing ay ginawa mismo sa Tacloban City. Ayon kay Ejercito “Minabuti natin na gawin dito sa Tacloban ang Senate Committee Hearing kaugnay ng Yolanda recovery effort, upang aktwal nating madama at makita ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan dito na nasalanta ng kalamidad.”

Bago ang naturang pagpupulong, dumaan ang mga Senador at Kongresman sa Tent City na pansamantalang tinitirhan ng mga nawalan ng kabahayan at maging sa ginagawang housing unit ng NHA.

 

####