REP. Vicente “Varf” Belmonte Jr.

​Labis kong ikinagulat ang naganap na pananambang sa aking kaibigan na si Cong. Varf Belmonte. Jr. ng Iligan City.

I condemn the attempt on his life. He is not only a colleague, but a friend, and I stood as ninong to his son’s wedding.

Nagpapasalamat ako at siya ay nakaligtas subalit lubos kong ikinalulungkot ang pagkamatay ng kanyang apat na kasamahan.

​Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay na lalo pang lumalala ang peace and order situation sa ating bansa. Sa nakalipas na dalawang taon, higit sa sampung local officials na ang nasawi dahil sa mga ganitong karahasan. Gayundin patuloy ang mga krimen sa lansangan katulad ng panghoholdap at pagpatay sa mga sibilyan.

​Dahil dito nananawagan ako sa ating mga kapulisan na gawin ang lahat upang maresolba ang kasong ito at agad na managot ang mga salarin. Higit sa lahat, nais kong ulitin ang aking panawagan sa PNP na maglaan ng sapat na budget upang masugpo ang ganitong uri ng mga krimen at mapangalagaan ang peace and order sa bansa.

 

###

Press Release