Mr. President, colleagues and my countrymen, Good Afternoon!

The Senate Committee on Public Services, Sub-Committee on Transportation has recently held its series of public hearings that tackled the situation of the Philippine National Railways (PNR) and its plan for modernization.

In the said hearings, our long-established beliefs, and perceptions regarding our country’s mass transportation system have been confirmed. These convictions have also been validated when we were given a chance to study and learn the public transportation models in Tokyo, Singapore and Hong Kong.

Ayon sa mga eksperto ng transportasyon mula sa iba’t-ibang panig ng bansa, masasalamin at mararamdaman ng mamamayan ang kaunlaran sa pamamagitan ng maayos na public transportation at maunlad na railway system.

Ito rin ang dahilan kung bakit sa kabila ng ipinagmamalalaki ng pamahalaang Aquino na economic gains, ay napakababa pa rin ng Foreign Direct Investment sa ating bansa kung ikukumpara sa ating mga karatig-bayan sa Timog-Silangang Asya.

Mr. President, ipagpaumanhin po ninyo, subalit hindi sumasapat ang propagandang “kung walang corrupt, walang mahirap” upang maibsan ang kahirapan ng ating mga kababayan. Naniniwala rin po kami na kahit ilang gubyerno pa ang dumating na magsusulong ng “tuwid na daan” kung hindi naman gagawing prayoridad ang paglalatag ng pangunahing imprastruktura, ng mga superhighways at ng isang maayos na railway system, ay hindi rin aangat ang ekonomiya.

Sa katunayan, nang dahil sa sobra nating pangamba sa katiwalian, isinantabi na natin ang North Rail Project na sinimulan noong nakaraang administrasyon..

Dagdag pa, gumastos man tayo ng bilyun-bilyong halaga ng pera para tulungang makabangon ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng dole-outs mula sa CCT, hindi pa rin nito masosolusyunan ang problema ng kahirapan. Isang taon na lamang ang nalalabi sa administrasyong Aquino, subalit nananatiling mataas ang poverty rate sa ating bansa.

Mr. President, only through modernization and full rehabilitation of our railway system, will we take a giant step towards development and freedom from poverty.

ANG PAGKAKAROON NG TUWID AT MAAYOS NA RILES NG TREN ANG DAAN TUNGO SA KAGINHAWAAN AT KAUNLARAN!

 

PART TWO

Mr. President, the Philippines is one of among the first countries in Asia to have a railway system, but presently we’re lagging behind our neighbors in terms of an efficient, safe, fast and modern trains. Our trains are old and dilapidated.

Habang napakaimportante ng tren sa taumbayan, hindi ito prayoridad ng pamahalaan. Ngayong 2015, eleven billion pesos (P11-B) ang hinihingi ng PNR para sa pag-sasaayos at rehabilitasyon ng tren at pasilidad nito, ngunit mahigit two billion pesos (P2.2-B) lamang ang natanggap nito.

Tila walang administrasyon ang nagbibigay ng importansya sa railway system at naniniwala sa kahalagahan nito. 

Habang bullet train o high-speed train na ang ipinagyayabang ng maraming bansa sa Asya, napag-iwanan tayo sa paggamit ng first to third generation engines. Kung anong napaglumaang mga bagon ng tren ng ibang bansa, tayo ang sumasalo at kumukumpuni para may masakyan lamang ang ating mga kababayan.

Dahil hindi binibigyang importansya ng gubyerno, humigit kumulang sa pitumpung libong (70,000) pasahero lamang ang napagsisilbihan ng PNR araw-araw. Tinataya namang limandaang libong mamamayan ang gumagamit ng LRT 1 and 2 araw-araw. Habang umaabot ng higit na anim na daang libong pasahero ang sumasakay ng MRT, sa kabila ng mahigit tatlong daang libo lamang ang kapasidad nito sa isang araw.

Sila ang mga manggagawa, empleyado at estudyante na tumatangkilik ng ating mga tren kahit sa napakadelikadong kalagayan nito ngayon. Malinaw na patuloy itong sinasakyan ng taumbayan sa kabila ng maraming aberya.

Kung susumahin, lahat ng mga problema, aberya, at pagkadiskaril ng mga operasyon ng PNR ay bunga lamang ng kawalan ng isang komprehensibong plano at sistema ng tren sa buong bansa. Ito ang dahilan kung bakit walang integrated plan, pira-piraso, hiwa-hiwalay, at hindi sistematiko ang buong pangangasiwa ng railway sytem sa bansa.

 

PART THREE

Mr. President, colleagues, I know that in your travels to different countries around the world, you are also a witness of the significant contribution of an efficient and modern railway system to the development of their economy. As you ride trains in Japan, Singapore, Hongkong, United States and Europe, I’m sure that you also dream, like this representation, of having a reliable, high-speed and modern trains here in our beloved nation.

Hayaan po ninyong himayin natin ang mga makabuluhang epekto ng railway system sa ekonomiya ng bansa kapag inayos natin ang kabuuang railway system sa ating bansa.

First, foreign direct investment will definitely pour in our country.

According to the World Economic Forum 2014 Global Competitiveness Report, a country’s lack of infrastructure is second to the list of problems of investors. The condition of public infrastructure, which includes the railway system, is one of the considerations of foreign investors. This is probably the reason why the Philippines’ FDI remains stagnant compared to other ASEAN nations.

Mismong sa industriya pa lamang ng tren at pampublikong transportasyon, malamang na mahihikayat natin ang mga dayuhang kumpanya na pumasok dito, kung makikita nila ang ating interes na isaayos ang industriyang ito.

Second, agricultural productivity will increase, which will translate to lower prices of goods and other products.

Kung tumatakbo lamang ng maayos ang North at South Rail ng PNR, mapapaunlad natin ang produksyon sa agrikultura dahil sa mabilis na transportasyon ng mga produkto sa buong bansa mula sa mga sakahan at taniman patungo sa mga pamilihan. Tiyak na pangunahing gagamitin ng mga mangangalakal ang tren para sa transportasyon ng mga produkto sa halip na mga trak, jeep, o barko.

Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagluwas ng bigas, gulay, prutas at iba pang agrikultural na produkto. Mapapababa ang presyo, at magiging sagana ang suplay sa merkado. Sa ganitong sistema, mawawala ang kotong na nakakaapekto sa presyo ng mga ibinibyaheng mga produkto.

Third, we will have new jobs for our countrymen.

Sa mismong pagsasaayos at integrasyon pa lamang ng railway system ng bansa, magluluwal na ito ng libu-libong trabaho para sa ating mga manggagawa at propesyunal. Sa pamamagitan ng cash-for-work, mabibigyan ng trabaho ang libu-libong mahihirap, sa konstruksyon pa lamang ng modernong railway system ng bansa at iba pang mga imprastraktura para sa pampublikong transportasyon.

Masosolusyunan natin ang kakulangan at kahinaan sa imprastraktura, mabibigyan pa natin sila ng trabaho at hanapbuhay, hindi po ba’t hitting two birds with one stone ito?

Fourth, the modernization of train and railway system will lead to lower cost of living not only in Metro Manila but also in the different urban centers of our country. 

Kung magkakaganito, ang ating mga kababayan ay pwede nang magtrabaho sa Metro Manila at umuwi sa Pampanga o Tarlac sa hapon. Dahil dito mapapababa natin ang cost of living sa mga probinsya.

Fifth, port congestion will be dramatically reduced.

Galing man ang mga produkto sa iba’t-ibang pantalan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, ay mabilis itong makakarating sa mga pabrika, warehouse at pamilihan kung modernisado at episyente na ang ating sistema ng tren para sa mga kargamento mula sa airport at pantalan.

Makailang beses na nating naranasan ang matinding epekto ng port congestion. Nagmahal halos lahat ng bilihin, nangunsumi tayong lahat sa halos di gumagalaw na trapik, at nagalit ang mga negosyante dahil naipit ang kanilang mga produkto sa mga pantalan. Nagkaroon ng negatibong domino effect at nalugi ng pitumpung bilyong piso (P70-B) ang ating ekonomiya dahil sa port congestion.

Ayaw na nating maulit ang napakapangit na karanasang ito. Bilang tugon, marapat na bigyang importansya ng ating gobyerno ang pagkakaroon ng maayos na sistema ng tren para sa kalakal upang mapabilis ang galawan ng mga kargamento, partikular ang mga produktong agrikultural na nag-aambag ng apatnapung porsiyento (40%) sa ating GDP o gross domestic product.

Sixth, the worsening congestion in Metro Manila and other key cities will be finally reduced.

Dahil tiyak na tatangkilikin ng mga pasahero ang mabilis at kumportableng integrated railway system.  Inaasahan din natin na bababa ang bilang ng mga pribadong sasakyan sa lansangan dahil mas pipiliin na ng mga motorista ang kawalan ng trapik sa mga riles, at makakarating pa sila ng mas mabilis sa kanilang patutunguhan.

Ang paggamit ng tren para sa kalakal tulad ng nakagawian dati sa Tutuban, ay makakatulong din sa pagbawas ng mga delivery trucks sa lansangan. Makakapagpaluwag lalo ng trapiko ang pagkakadugtong ng railway system papunta sa mga pantalan at paliparan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang urban centers ng bansa.

Kung magkakaugnay ang Metro Railway System sa loob ng Metro Manila at papunta sa mga karatig-bayan, ang mga pampublikong bus at iba pang sasakyan ay magsisilbing transportasyon na lamang mula sa mga terminal ng tren patungo sa tirahan at pinagtratrabahuhan ng ating mga kababayan. Hindi tulad ngayon, na kung nasaan ang linya ng tren, nandun din ang linya ng bus at jeep. Minsan pati tricycle at pedicab ay mismong sa linya na ng tren ng PNR dumadaan.

Seventh, the over-concentration of jobs and livelihood will no longer exist in Metro Manila. Through the modernization of our railway system, we will create growth nodes that will spread-out development all over the country.

Mababawasan ang konsentrasyon ng trabaho, negosyo, komersyo at kalakalan sa Metro Manila, at maikalat at maipalaganap ang mga ito sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Siksikan at umaapaw na ang Kamaynilaan na mayroong mahigit sampung milyon nating kababayan. Sampung porsyento ng ating populasyon ang nagsisiksikan dito dahil dito lamang sila nakakakita ng oportunidad. Kaunting taon na lamang ay hindi na kakayanin ng Metro Manila ang sobrang dami ng sasakyan at komunidad. Hindi na nakakabuti sa ating kalusugan ang matinding polusyon at dikit-dikit na mga kabahayan, kung kaya’t kritikal nang masimulan ng gubyerno ang pagsulong ng city hubs sa bawat probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao. Marapat na ding seryosohin natin ang pagpapairal ng tinatawag nating “Mega-Manila”, sa halip na manatili na lamang isa itong payak na katawagan.

Maisasakatuparan lahat ng ito kung episyente at moderno ang operasyon ng ating mga tren mula dito sa Metro Manila hanggang sa kanayunan. Hindi na magdadalawang-isip ang mga Pilipino na manirahan sa labas ng mga lungsod, kasunod na ang pagpapaunlad sa kanayunan.

Lastly, Mr. President, colleagues, an efficient, reliable, cost-effective, environment-friendly and modern railway system is the backbone of the economy of many developed and developing countries in the world.

Sa ngayon, pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamababang kalidad ng imprastruktura sa ASEAN region. Habang palaging ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino ang paglago ng ating ekonomiya, nanatiling kulelat pa rin tayo sa pinupuntahan ng mga foreign investors na silang nagbibigay ng trabaho.

Makupad ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa mabagal na transportasyon. Simulan natin ang solusyon sa pag-sasaayos sa sistema ng PNR. Gamitin natin ang mga tren para sa pagbiyahe, hindi lang ng mga tao, kundi pati sa pagdala ng mga produkto at pananim. Makakatulong ito upang sumigla ang iba’t-ibang industriya sa buong bansa.

I firmly believe that an efficient, reliable, cost-effective, environment-friendly and modern railway system can be the catalyst for growth that can stimulate development in our urban centers and countrysides.

 

ANG DAPAT NATING GAWIN 

Mr. President, nabanggit natin kanina ang pagkakataong makabisita at makapag-aral ng iba’t-ibang transport models sa Japan at Singapore.

Sa Singapore ay nabigyan tayo ng oportunidad na makapag-aral ng maikling kursong Sustainable Urban Transport Planning and Management sa kanilang Land Transport Authority Academy. Dito lalong napatunayan namin na walang ibang konkretong solusyon sa mga kinahaharap nating problema, kundi ang pag-sasaayos at pag-papaunlad ng mass railway transportation sa ating bansa.

Mr. President, mga kapwa-Senador narito po ang ating mga panukala para sa isang episyenteng public transportation:

Una, bigyan natin ng importansiya ang pagpapahaba ng mga riles ng tren sa bansa. 

Mahabang panahon na nating sinusundan ang LA model sa road-use policy para sa ating pampublikong transportasyon. Dahil dito, negatibong namarkahan ang ating bansa bilang “3rd fastest growing vehicle mart in ASEAN”. 

Sa pagpapalawak ng ating mga kalsada, patuloy lamang nating dinadagdagan ang pagbili at pagmamay-ari ng pribadong sasakyan na nagdudulot ng mas lalong pagsikip ng mga lansangan. Sa katunayan, nakapagbenta ang Pilipinas ng 234,747 sasakyan nitong 2014 lamang o 29.2 porsyentong mas mataas kaysa 181,738 units noong taong 2013.

Gaano man kadami ang kalsadang ating gagawin, kulang pa din ito sa mas mabilis na pagdami ng sasakyan sa ating bansa.  Hanggang hindi natin naipapakita ang alternatibong mas maayos na railway system, natural lamang na mas pipiliin pa din ng ating mga kababayan ang paggamit ng pribadong sasakyan kahit pa man trenta-anyos na ang mga kotseng kanilang ginagamit.

This is the best time to avail of a loan as the interest rates are its lowest. If we are able to to borrow for CCT which has no return, all the more it is feasible to borrow funding for the railway system with enormous economic returns and benefits.  

Pangalawa, dapat na nating ibalangkas ang isang Integrated Railway System Plan.

Ginoong Pangulo, sa Singapore ay pinipili ng kanilang mamamayan ang tren bilang pangunahing moda ng kanilang pampublikong transportasyon. Base sa kanilang istatistika, halos kalahati ng kanilang populasyon o 2.76-Milyon sa kabuuang 5.4 Milyong Singaporeans ang mas gustong sumakay sa tren.

Mismong ang Secretary of Public Transport Council ng Singapore na ang nagsabi na sa tagal at lawak ng kanilang pag-aaral para sa pag-sasaayos ng kanilang problema sa congestion, ay tren lamang ang nakapag-saayos ng mga ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang master plan. Sa planong ito nila isinaad ang pag-sasaayos ng kanilang mga riles na binuo sa mahabang panahon.

And to quote the Minister of Transport of Singapore, he said “We made the big decision to go on with mass transport system in the 80s and it paid dividends.”

Kamakailan, naibalita na mayroon tayong P267 Bilyong piso na underspending. Mr. President, hindi pwedeng “honesty”, pagsasalita ng “tuwid na daan” at pagsasagawa ng mga reporma lamang ang ipinagyayabang ng kasalukuyang gubyerno. Kinakailangang may “performance” din. Ang halagang nabanggit ay sapat na sana para sa modernisasyon ng railway system at iba pang imprastruktura.

Ito ang kinakailangan natin sa Pilipinas laluna’t ang ating pampublikong transportasyon ang naghahatid sa mahigit walongpung porsiyento (80%) ng mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ang kanilang pangunahing transportasyon upang makarating sa trabaho, kasama na ang mga estudyanteng papasok sa kanilang mga eskwelahan.

Sa pagkakaroon ng integrated plan para sa ating railway system, madali nating mapag-uugnay at maisasaayos ang koneksyon na magdudulot ng kaginhawaan sa ating mga paglalakbay.

Pangatlo, maging bukas tayo at magtiwala sa pakikipag-ugnayan at kakayanan ng pribadong sektor at mga eksperto dito.

In Europe and other developed countries in Asia, it is a common practice that the government will give way for the private sector to operate their public services like transportation. But it also ensures that the welfare of the people will not be compromised while the interests of the private sector are also upheld.

Sa paraang ito, hindi na papasanin ng gobyerno ang kabigatan sa pananatili ng maayos at epiktibong sistema ng tren. Sa kabilang banda, nakakapagbigay ng trabaho ang mga pribadong mamumuhunan sa mamamayan, habang malaya nilang napapangasiwaan at napapaunlad ang sistema ng tren sa bansa.

Sa halip na makialam ang pamahalaan sa operasyon ng mga tren at ng mga kinakailangang pasilidad kaugnay nito, mas mabuting ilaan ng ating pamahalaan ang panahon sa pagpaplano, regulasyon, at pagtitiyak na sinuman ang pribadong kumpanya na mangangasiwa nito, ay naibibigay nito ang isang episyenteng railway system na tumatalima sa mga regulasyon ng pamahalaan, at pangangailangan ng ating mga kababayan.

 

CLOSING

Mr. President, colleagues, it is about time that we address our weakness in public infrastructure. This is probably one of the reasons why our economy has not fully taken off in spite of the improvement of ratings and good perception towards the Philippines.

Let me also reiterate that an efficient, reliable, cost-effective, environment-friendly and modern railway system can be the catalyst for economic growth. It will stimulate and spread out development to the countryside. The railway system can become the backbone of our economy.

Mr. President, our countrymen deserve a better quality of life. And we the servants of our people, can provide this by taking huge and necessary steps towards progress and development.

Thank you very much.