“First of all, the public must be informed that it was me, personally, who endorsed my niece Janella, to become part of our local party slate.  Papaano yon mangyayari na isinama ko sa aming partido tapos hindi ko kakausapin?”

“May mga litrato at video na makaka-pagpatunay na tinanggap ko ng mainit ang aking pamangkin, simula sa nomination process sa loob ng Partido Magdiwang hanggang sa kasalakuyang kampanyang halalan. I hope Janella, Senator Jinggoy’s daughter, will shed light on this, because I have proof that I never snubbed her.”

“At sana naman, si Senador Jinggoy, bago maniwala sa mga kathang-isip ng mga political operators sa media, ay magtanong na din muna, kung hindi nya gusto na direkta sa akin, ay sa mga taong andun mismo sa proclamation rally sa San Juan tulad ng aming ama na si Pangulong Erap na andun mismo.”

“Honestly, I am getting tired of this so-called Jinggoy-JV rivalry. Naniniwala po akong walang namamagitang alitan sa pagitan namin ni Senador Jinggoy. At sana maintindihan ng lahat kung bakit hindi rin kami masyadong close na magkapatid.”

“Kung sino man ang pilit na gustong palabasing may problema kami ni Senador Jinggoy, na pilit na pinapalabas na palaging ako ang “kontrabida” at “pasaway” dahil sa ako ang kumakandidato sa ngayon, pasensya na po, pero hindi kayo magtatagumpay. Naniniwala akong matalino ang mga Pilipino, na mauunawaan ang lahat ng ito.”

 

###

Press Release

April 4, 2013