Sakto lang ang badyet para sa pagkain, baon, pamasahe, kuryente, tubig at upa. Wala ka nang badyet kung magkasakit?

Lalong na high blood sa taas ng hospital bill at mahal ng presyo ng gamot?

Isa ka din ba sa kanila? O may kilala ka na ganyan ang katwiran? Yung mas takot sa gastos ng hospital kesa sa karamdaman?

Ito ang ilan sa mga dahilan na nagtulak sa akin na isulong ang Universal Health Care Bill! Para mabigyan ng de-kalidad, accessible at abot-kayang health services ang bawat Pilipino.