Mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga lokal ng Sablayan, Mindoro Occidental. Ganap nang batas ang ating panukalang pagtatatag ng Polytechnic University of the Philippines Sablayan Campus matapos itong pirmahan ni Pangulong Duterte.

Ito ang magsisiguro ng sapat na karunungan para sa mga taga Sablayan at ang paglalaan ng kaukulang pondo sa PUP Sablayan mula sa pondo ng national government o General Appropriations Act.

Patas na oportunidad para sa lahat at ‘di na kailangan lumuwas ng Maynila para makapag tapos ng kolehiyo.

Ito ay katuparan ng matagal ko nang pangarap na magkaroon ng kahit isang graduate sa bawat pamilyang Pilipino!

Maraming salamat sa aking counterpart sa House of Representatives, Cong. Josephine “Nene” Y. Ramirez-Sato sa walang pagod na pagsisikap para maisakatuparan ang pagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon para sa mga lokal ng Sablayan, Mindoro Occidental.