Naniniwala si Senador Joseph Victor G. Ejercito na ang desisyon ng Philippine National Railways (PNR) na pansamantalang itigil ang mga biyahe dahil sa mga sira at pagkadiskaril ng tren ay nagtutulak para seryosohin na ng pamahalaan ang kagyat na modernisasyon nito.
Hindi na rin aniya sasapat ang pailan-ilang mga pagkumpuni ng tren upang mapabuti ang operasyon ng PNR.
Sinabi ni Sen. Ejercito na dapat nang isulong ng pamahalaan ang modernisasyon para sa PNR.
Samantala, inirehistro rin ni Senador Ejercito na walang-mali kung tinitiyak ng PNR ang kaligtasan ng mga pasahero sa pagsuspinde ng operasyon nito, ngunit panahon na upang mag-isip ng pangmatagalan at komprensibo sa hinaharap na mga problema ng PNR.