Dumalo muna ako sa isang misa upang humingi ng basbas kasama 
ang aking butihing maybahay, ina, kaibigan at mga taga suporta bago magtungo ng COMELEC upang maghain ng aking kandidatura sa ikalawang termino.

Ninais kong muling tumakbo sa pagka-senador upang muling maipagpatuloy ang sinimulan kong adbokasiya sa kalusugan, pabahay, modernong transportasyon at malawakang proyektong pang imprastraktura.

Naniniwala ako na ang mga adhikaing aking sinimulan ay hindi mananatiling isang panaginip lamang kung ako’y muling mabibigyan ng isa pang pagkakataong makapaglingkod sa ating bayan.

Baon ko sa aking muling pagtakbo ang pangakong mas maginhawang buhay para bayan at patunay rito ang ilang resolusyon at panukalang batas na aking inihain hanggang sa maisabas.

Higit sa lahat na aking maipagmamalaki ang malinis na pangalan, walang bahid ng korupsyon at maayos na rekord sa panunungkulan.