Kumbinsido si Senate President Franklin Drilon na ang ginawa nitong pagbisita sa bansang Turkey ay makapagdadala ng mas maraming investment opportunities sa bansa sa hinaharap na panahon.
Ayon kay Drilon, ipinagpasalamat niya ang pagkakataon na naibigay ng Turkish government na mai-promote ang Pilipinas at masaya niyang ibinalita na matagumpay nilang nakumbinsi na ang pamumuhunan ay “more fun in the Philippines”. Giit ng senador, mayroon aniyang “mutual understanding” ang dalawang bansa ng pangangailangan na malinang ang ugnayan nito partikular na sa usapin ng kalakalan at turismo.
Kaugnay nito, tiwala ang senador na madaragdagan pa ang $250 million na inisyal na investment ng Turkey sa mga darating na taon.
Matatandaang sa naturang pagbisita ni Drilon sa Turkey, nakapulong nito sina Speaker Cemil Cicek at Deputy Prime Minister Bulent Arinc na itinaon sa ika-65 taon na pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Turkey.
Kasama ni Drilon sa pagbisita si Senate Committee on Economic Affairs chair Sen. JV Ejercito. – Brigada Glenn Parungao
####
http://brigada.ph/turkey-nakumbinsing-ok-mag-invest-sa-ph/