SJVE Blue SuitLAGLAG sa kamay ng batas noong mga nakaraang araw ang dalawang “Lee” na tinaguriang mga “wanted” ng bayan dahil sa kinahaharap nilang magkahiwalay na kaso. 

Unang nahuli si Delfin Lee, ang itinuturong responsable sa multi-million housing loan scam at sumunod si Cedric Lee na utak naman umano sa pambubugbog sa artistang si Vhong Navarro.

‘Ika nga, no one is above the law at kahit kailan, ang batas ay ang dapat mangibabaw.

Una natin talakayin ang kasi ni Mr. Delfin Lee. Nakatakda siyang lumantad sa ginagawang imbestigasyon ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement.

Kumanta kaya si Mang Delfin o mag-ala-Janet Napoles siya na walang ginawa kundi makalimot at walang maalala?

Boom! ‘Yan ang ating abangan.

Matapos ma-corner ng kapulisan si Mang Delfin ay sinimulan natin sa Senado ang pag-imbestiga sa kanyang kaso.

Ang layunin nito ay makapagbalangkas ang committee ng batas o mga batas na dapat ipatupad upang sa gayon ay hindi na maulit muli ang ganitong klase ng iskandalo.

Swak na swak, ‘di ba? Walang halong pulitika, trabaho lamang. Boom!

Isa pang Lee ang nasukol ng awtoridad. Si Cedric Lee kasama na rin ang kanyang kaibigan at tumatayong bodyguard na si Simeon Raz, Jr. alyas Zimmer Raz.

Ayos na rin ito dahil sa pagpasok ni Cedric sa kulungan ay meron na kaagad siyang bodyguard sa loob.

Boom!

On the brighter note, kailangan na rin maresolba ang kasong ito dahil simple mang kaso pero kung tutuusin ay mga sikat na tao naman ang involved.

Hindi ba, tama? Boom!

Nasabi nating simpleng kaso ito dahil common cases ang mga ito sa korte. Tulad ng grave coercion and serious illegal detention subalit, mga non-bailable offense ang mga ito.

Naka-base sa warrant of arrest ang kanilang pagkakaaresto at may mga umugong na balita na kung hindi naganap ang paghuli ay patungo sana ang dalawa sa Northern Samar bago pumuntang Taiwan.

Nahuli ang dalawa sa Oras, Eastern Samar bago sila makatakas dahil sa tip ng mga concerned citizen.

Boom!

Maraming salamat sa pagtangkilik sa pitak na ito at nawa ay masubaybayan pa ninyo ang mga susunod na artikulo na tumatalakay sa lahat ng bagay.

Lagi lamang tatandaan, basta para sa bayan ay narito lamang tayo para laging magmasid at magtanggol sa taumbayan.

Boom!

Boom! ni JV Ejercito - Bulgar