DAHIL magastos ang pagpapagamot, nagkaroon ng “phobia” sa ospital at doktor ang ilan sa ating mga kababayan at kung maaalala natin ay nagkaroon ng patalastas sa telebisyon na “bawal ang magkasakit” kasi bukod sa mahal ang magpagamot, mahal din ang mga gamot at ito ang kinatatakutan ng marami sa atin kaya hangga’t maaari ay patapal-tapal muna tayo ng kung anu-anong mga dahon kapag may sakit.
Gayunman, sa Universal Health Care (UHC) measure, ito ay maiiwasan na dahil magiging abot-kaya na ang pagpapagamot at pagpapaospital dahil sagot ng gobyerno ang malaking bahagi ng gastusin. Maiiwasan na ang paglala ng sakit o kamatayang bunga ng pag-iwas sa doktor at ospital.
Sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre 12, mangyayari ang bicameral conference committee meeting para mapag-isa ang versions ng Senate at House of Representatives.
Sa kasalukuyan, humigit-kumulang sa 7 porsiyento ng mga Pilipino ang “nganga” dahil hindi sila entitled sa tulong ng PhilHealth kasi hindi sila miyembro ng ahensiya.
Pero sa UHC, walang maiiwan dahil lahat ay automatic na magiging member ng PhilHealth na sakop ng National Health Insurance Program. Malaking kaluwagan ito sa pamilyang Pilipino dahil kapag sinagot na ng gobyerno ang malaking parte ng gastusin sa pangangalaga ng kalusugan tulad ng pagpapagamot kapag may nagkasakit, magkakaroon na tayo ng ‘ekstrang’ pera na pandagdag sa iba pang gastusin tulad ng pambili ng bigas, baon sa eskuwela ng mga anak, pambayad sa kuryente, tubig at iba pa.
Read More: https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/10/20/Abot-kayang-pagpapagamot-malaking-tulong-sa-mga-Pilipino?fbclid=IwAR1Qeb34ZXyl6bQ3iIgSo09bLlxo1VSAMV5dhYkzopIX1_GiwM3Hhi1VRyc