Inspiring ang huling araw ng sesyon ng Senado noong Oktubre 10 bago kami mag-break ng isang buwan dahil inaprubahan namin sa third and final reading ang Universal Health Care (UHC), o Senate Bill No. 1896, na isinusulong natin para sa kaginhawaan ng ating mga kababayan.
Kaginhawaan dahil ang UHC ang magbabalik sa karapatan ng bawat Pilipino sa ayuda ng gobyerno para sa abot-kaya at may kalidad na health care.
Kapag batas na ang UHC, sagot na ng gobyerno ang malaking bahagi ng gastos sa pagpapagamot o pagpapa-ospital ng lahat dahil basta Pilipino, automatic member na ng PhilHealth.
Pero may ‘unfinished business’ pa tayo na bicameral conference committee meeting para mapagtugma ang versions ng Senado at House of Representatives.
Gagawin natin ito pagbalik ng sesyon umpisa sa Nobyembre 12 para maratipikahan agad ng Senado at Kongreso ang final version at mapirmahan ito ni Presidente Duterte bago matapos ang taon.
Sa mga nagtatanong kung bakit ‘nadelay’ ang Senado samantalang sa House of Representatives ay 2017 pa ay aprubado ang UHC, ito po dahil binusisi namin ito ng husto.
Limang public hearing ang isinagawa ng Senate Committee on Health and Demography na ating pinamumunuan, bukod pa sa ilang consultations at technical working group sessions.
Nag-hearing tayo sa Cebu City, Davao City, Legaspi City, Albay, at Lingayen, Pangasinan para malaman ang pulso ng mamamayan at ang kanilang mga opinyon na mahalaga ay isinama natin sa bill.
Sa mga susunod nating kolum ay ipapaliwanag natin isa-isa ang UHC para sa mas kaliwanagan ng lahat.
Sa mga susunod nating kolum ay ipapaliwanag natin isa-isa ang UHC para sa mas kaliwanagan ng lahat.