Tila pinaghati-hatian ang bilyong pondo sa pabahay para sa mga biktima ng mga bagyong “Yolanda,” “Pablo,” at “Sendong.”

Sa pondong P290,000 per unit, pinagpasa-pasahan ang kontrata! Ang resulta: P120,000 na lamang nang ipasa sa huling sub-contractor. Ang malala pa, namakyaw pa sa halangang P25,000 kada unit!

Umasa po kayo na ilalabas po ng Komite sa lalong madaling panahon ang aming Committee Report.

Kung mayroon man po sigurong makakapag papaginhawa sa nararamdaman ng mga biktima ng kalamidad, marahil, ang makita ang mga nagkutsabahang opisyales ng NHA at mga tiwaling contractor/developer na humaharap sa hustisya.