Napakasayang mabisita muli ang ating mga Kababayang OFW sa Hongkong, lalo na at kasama ko sa aking pagbabalik ang aking mga #seatmates.

Nakilahok din tayo sa assembly ng Jesus is Lord sa paanyaya ni Sen. Joel Villanueva na siyang nanguna sa masayang pagtitipon. Maraming salamat brod Joel at sa inyong mainit na pagtanggap JIL HK Family!

Ikinuwento natin sa kanila ang pagsisikap nating maipasa ang Universal Health Care bill, OWF Assitance Fund at iba pang lehislaturang higit na makakatulong sa ating mga OFWs.

Nagpunta rin kami sa iba’t-ibang lugar sa Hongkong para kamustahin ang ating mga Kababayang OFWs. Nakakataba ng puso ang inyong mainit na pagtanggap sa amin.

Mabuhay ang Overseas Filipino Workers!
Mabuhay ang mga Bagong Bayani!