Iniimbitahan po namin kayo bukas, Martes, Marso 3, 2015 sa mga sumusunod na aktibidad:

1. TRO filing sa Supreme Court laban sa MRT at LRT Fare Hike

Magsasampa ng Temporary Restraining Order laban sa MRT at LRT Fare Hike sina 2nd District Parañaque Rep. Gustavo Tambunting, Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz,  Buhay Partylist Congressmen Lito Atienza, Irwin Tieng and Mariano Michael Vellarde, former Cavite 3rd District Rep. Crispin “Boying” Remulla,  Allan Tanjusay, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP); Allan Montaño, Federation of Free Workers (FFW); Leody De Guzman, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP); Rene Magtubo, Partido Manggagawa (PM); Annie Geron ng PS LINK  at Senador Joseph Victor G. Ejercito sa ganap na 10:00 ng umaga sa Supreme Court, Padre Faura St., Maynila

2. Press Conference hinggil sa TRO filing sa Maximo Room, 1st Floor, Max’s-Orosa-Ermita Branch, Ma. Y. Orosa St., cor. UN Ave., Ermita, Manila sa ganap na 10:30 ng umaga

3. Senate Hearing ng Committee of Public Services, Sub-committee on Transportation hinggil sa Philippine National Railways (PNR) sa Committee Room 1 sa ganap na 1:30 ng hapon

Tatalakayin kung makatwiran ba ang panukalang fare hike ng PNR at plano nitong modernisasyon at rehabilitasyon sa kanilang  mga tren at iba pang pasilidad.

Hinihiling po namin ang inyong media coverage. Maraming salamat po.

 

 

###

Press Release

Rikki Mathay /( 02) 5526748