Karangalan kong maimbitahan at maging bahagi ng Signing of Alliance Agreement ng Hugpong ng Pagbabago Regional Political Party sa pagitan ng Nationalista Party, National People’s Coalition, National Unity Party, Alyansa Bol-Anon Alang sa Kausaban, Aggrupation of Party for Progress, Kambilan, Padayon Pilipino at Serbisyo sa Bayan Party.

Nakiiisa ako sa mahalagang okasyong ito bilang pagsuporta sa adhikain ng HNP sa pangunguna ng Founder at Chairperson nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Tulad ng ibang mga kasapi at kaalyado ng koalisyon, naniniwala ako sa isinusulong nilang pagbabago sa ating pamahalaan upang magkaroon ng maayos na pamumuno na siyang magiging susi sa pag-unlad ng ating bansa.