Kung may pera sa basura, may trabaho naman sa imprastraktura!
Sa massive infrastructure program ng Duterte administration hanggang 2022 na may pondong P8-9 trilyon, gagawa ng mga kalsada at tulay mula sa Luzon hanggang Mindanao, subway sa Metro Manila, light rail transit sa mga strategic na lugar, railways sa iba’t ibang probinsya at airport.
Siyempre sa paggawa ng mga ito, mangangailangan ng mga karpintero, mason, piyon, steelman, latero, heavy equipment operator, driver, timekeeper, foreman, leadman, payroll master at iba pang mga construction worker.
Kailangan din ng mga office worker, engineer, architect, security guard, encoder, accountant, secretary, janitor, computer programmer at iba pang trabahador naman sa mga opisina na mangangasiwa sa paggawa ng mga project.
Mahaba ang listahan ng trabaho at pagkakakitaan na malilikha na ang tawag ay “multiplier effect”.
Kaya kahit na habang ginagawa pa lang ang mga proyekto ay makikinabang na agad ang ating mga kababayan.
Sa pagtataya ng NEDA (National Economic and Development Authority), 1.1 million jobs, karamihan sa construction, ang malilikha taon-taon ng infrastructure program ng administrasyong Duterte.
Ibig sabihin nito, 1.1 milyong pamilya ang makakatawid sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Sa bawat $1 billion na puhunan ng gobyerno, magkakaroon ng 200,000 o higit pang bagong trabaho na maibibigay sa ating mga manggagawa.
Sa katunayan, ngayong 2018 hanggang 2019, sa P34.2 bilyon hanggang P50.2 bilyon infrastructure investment ng DOTr (Department of Transportation), inaasahang mahigit 300,000 trabaho ang uusbong.
Kabilang sa mga priority project sa 2019 ay ang Metro Manila Subway, LRT 1 Cavite Extension (Pasay-Cavite), LRT 2 East Extension (Santolan-Antipolo), LRT West Extension (Recto-Pier 4), MRT 7 (North EDSA-San Jose Del Monte, Bulacan), Mindanao Railway, New Bohol Panglao Airport, Lal-lo Airport, Bivol International Airport, expansion ng terminal building ng Clark International Airport, at ang panukalang Bulacan International Airport.
Ang pinag-uusapan pa lang natin ay pakinabang habang ginagawa pa lang ang mga proyektong imprastraktura.
Kapag natapos na ang mga proyekto at operational na, ang balik ng P8-9 trilyon na puhunan ay P31 trilyon sa kaban ng gobyerno dahil uunlad ang ekonomiya bunga ng masiglang kalakalan at mabilis na biyahe ng mga produkto at tao.
Sa modernong railway system, tiyak na maaakit na mamuhunan ang mga negosyante sa mga bayan at probinsya na dadaanan ng riles at tren kaya asahan na ang uusbong ang mga pamilihan, pabrika at pagawaan, at opisina na dagdag na oportunidad sa lahat para maghanapbuhay.
Sa matuwid na pagsasagawa ng programang ito, walang ibang pupuntahan ang bansa kundi kaunlaran.
Kaya naman all-out support tayo sa infrastructure program ng Presidente dahil tulad ng layunin ng programang ito, GINHAWA NG BAYAN ang ating ipinaglalaban.
Source: https://tonite.abante.com.ph/programang-imprastraktura-lilikha-ng-milyong-trabaho.htm