“Humihingi ako ng paumanhin kay Kuya Jinggoy kung ang naka-abot sa kanya ay ‘ayoko ng endorsement nya’. HINDI PO TOTOO ITO. Napa-abot po sa akin ang mungkahi na nagnanais siya na maglabas ng sariling advertisement para i-endorso ang aking kandidatura, sino po ba namang kandidato ang tatanggi sa ganun, lalo na at libre?”

“Pero may mga bagay po na nagiging problema kung bakit hindi ito nagiging ganoon kadali.”

“Una. Batid po nating lahat na may maximum time limit na ginawa ang Comelec para sa TV at Radio advertisement na 120-minutes sa TV at 180-minutes sa Radio. Kapag lumampas po dito ay baka maging dahilan pa para ma-disqualify ako ng Comelec.”

“Pangalawa. Ang akin pong campaign team ay may naihandang campaign design para dito na matagal na pong tapos bago pa mag-simula ang kampanyang halalan.  Hindi po madaling magbago ng campaign plan sa kalagitnaan ng kampanya, na in-fairness naman sa aming campaign team, ay mukhang maayos naman ang pagtanggap ng ating mga kababayan. Natapos na po yung unang bahagi na nagpapakita ng aking mga nagawa sa San Juan na tumakbo mula Pebrero hanggang Marso 11. Kasalukuyan pong lumalabas ay nagsasalarawan ng aking plataporma na ‘edukasyon at trabaho, para sa ginhawa ng bayan’. At may nakapila na ding isa pa sa pagpasok ng Abril 10.”

“Pangatlo  Ang mungkahi ng aking campaign team, sa halip na gumawa ng isa pang bagong advertisement na baka maka-confuse sa messaging, ay sumama na lamang sana si Kuya Jinggoy na maging kabahagi ng mga natapos ng advertisement at gagawa na lamang ng second edited version. Nakausap na po namin ang aming agency na ready na kumuha ng dagdag na shoot para dito, kung papayag si Kuya Jinggoy na maging kabahagi lamang. Sa bahagi po ng advertisement na tumatakbo ngayon, mayroong bahagi nito na inendorso ako ng aming ama na si Pangulong Erap at ni Bise-Presidente Binay, pwede po siyang maging kabahagi nito.”

“Ikinalulungkot ko po na sumama na naman ang loob ng aking Kuya Jinggoy. Pero wala po akong ganung intensyon.”

“Sa ganang akin, kung talaga pong ninanais nya na tulungan ang aking kandidatura, baka po mas makakatulong ang iba pang bagay na nagpapakita ng kanyang pag-endorso. Tulad halimbawa ng pagpapatawag nya ng media conference na nagpapahayag ng ganito. O kaya ay pagkausap niya sa mga LGU executives na kanyang mga nakaibigan o natutulungan na ipakiusap na maisama ako sa kanilang sample ballot.”

“Nagpapasalamat po ako sa napapabalitang pagnanais na pagsuporta ni Kuya Jinggoy sa aking kandidatura.”

 

###

Press Release

March 22, 2013