HK WITH OFWs

Magandang hapon! Lumibot tayo kanina sa area ng HK Shanghai Bank, sa may city hall area, at statue square para makipag-kamustahan sa mga kababayan nating OFW.
Sakto at day off ng karamihan sa ating mga kababayan kaya marami tayong nakasalamuha ngayong Linggo.
Dama ko ang pagkasabik ng ating mga kababayan sa kanilang pamilya at bayan. Kitang kita ang kanilang galak na ako ay makita tila naaalala nila ang Pinas. Lahat ng lungkot ay kanilang tinitiis para lamang kumayod alang alang sa kanilang mga pamilya.
Ang kanila ding remittances ang malaki ang kontribusyon sa ating ekonomiya.
Kung kaya’t lalong gusto kong ipursigi ang mga panukala na makakatulong at magbibigay suporta sa kanila.
Ang turing sa mga OFW ay mga bagong bayani kaya’t mahalaga na maramdaman din nila ang suporta at pag alaga sa kanila ng pamahalaan kung sakaling sila naman ang mangailangan.
Mabuhay ang ating mga OFW!

22310676_1750764421600231_8784570339314643512_n

22406059_1750866651590008_3182983839393911478_n

22406396_1751031744906832_4070279555449075430_n

22448566_1750764568266883_2596237006753399978_n

22449789_1750764384933568_2490782261181400267_n

22449867_1751031761573497_7953116893963063792_n

22491967_1750764468266893_4294146300022469320_n

22528106_1751031721573501_2938996572115896802_n

22550030_1750764344933572_2813014761853077800_n

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *