Approved na sa third and final reading ang aking panukalang batas na “An Act Providing for the Special Protection of Child Passengers in Motor Vehicles” o Senate Bill No. 1971 na magbibigay ng proteksiyon sa mga batang 12-anyos pababa sa kanilang pagbibiyahe.

Kapag naging batas ito, obligado o mandatory ang paglalagay ng “child restraint” device sa mga sasakayan upang hindi masubsob, matumba, o mahulog sa upuan ang mga bata na maaaring magdulot sa kanila ng pinsala o maging sanhi ng kanilang kamatayan kapag nasangkot sa aksidente o biglang magpreno para makaiwas sa aksidente.