Mabuhay ang sundalong Pilipino!
Isang karangalan na makipag boodle fight ngayong tanghali kasama ang 103rd Infantry Brigade ng Marawi. Sa ganitong paraan, nakamusta ko ang ating mga sundalo sa kanilang kalagayan at mga personal na kwento nila noong kasagsagan ng gera.
Pagkakataon din na makapagpasalamat sa kabayanihan ng ating mga sundalo!
Nadalaw ko rin ang mechanized brigade sa pamumuno ni Gen. William Alunday, ang dating security officer ni Pres. Erap. Sila ang may hawak ng mga tanke at armored personnel carrier na ginamit sa Marawi.