Dumalo ako sa mahalagang pagtitipon ng Nacionalista Party at Hugpong ng Pagbabago bilang tanda ng aking buong tiwala at suporta sa kanilang mga layunin.

Iisa ang aming paniniwala na political will at good governance ang kailangan sa public service para magtagumpay sa hangarin nating tamang pagbabago.

Masaya ko ring ibinalita sa aking mga kasamahang Ilonggo na bilang Chairman ng Committee on Health sa Senado at upang mailapit sa kanila ang mas maayos na serbisyong medikal ay sinikap kong mabigyan ng P900-M pondo para sa pagpapatayo ng Outpatient Department Building ang Western Visayas Medical Center at Heart, Lung and Kidney Center sa West Visayas State University Medical Center.