Lubos ang aking pasasalamat sa imbitasyong maging guest of honor sa blessing at inauguration ng Silay City Public Market.

Masarap sa pakiramdam na muling makabalik sa Bacolod City kung saan ipinanganak ang aking inang si Mayor Guia Gomez ng aking Lolang tubong Iloilo at lolo na isang Silaynon.

Masaya rin akong muling makita at makasama ang aking matalik na kaibigan at kababata na ngayon ay Silay City Mayor na si Mark Golez.

Habang nasa boodle fight at kasama ang iba pang kababayan ay napagkuwentuhan namin ang di naming malilimutang karanasan noong aming kabataan.