Nakibahagi tayo sa pagtataas ng watawat ng mga kababayan natin mula sa makasaysayang Lungsod ng Malolos, lugar kung saan naitatag ang unang Republika ng Pilipinas.

Simula ng bagong linggo ng paglilingkod sa taumbayan kaya naman ibinahagi ko sa kanila ang “magandang balita” kinabibilangan ng nalalapit na pagpasa bilang batas ng Universal Health Care program na aking isinusulong. Gayundin, ang aking adbokasiya sa pagkakaroon ng epektibo at efficient railway system upang mas mapabilis ang paggalaw ng kalakal at tao.

Bumisita din tayo sa Malolos City Jail kasama ang aking matalik na kaibigan na si Mayor Christian Natividad upang tignan ang kalagayan ng ating mga inmates. 

Maraming salamat Mayor Christian Natividad, City Council and employees at lahat ng Maloleño sa napakainit na pagtanggap.

Mabuhay ang Lungsod ng Malolos