Ang aking pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga batangueno sa aking pagbisita sa kanilang bayan.

Una sa butihing alkalde ng bayan ng nasugbu na si Mayor Antonio Jose Barcelon at Presidente ng Liga ng mga Barangay na si Arnold Mendoza at Balayan Mayor Emmanuel Salvador Fronda.

Bilang panauhin sa ginanap ritong Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars Assembly, inilatag ko ang aking Legislative Agenda.

Kabilang na rito ang Universal Health Care kung saan layon nitong itaas ang benepisyo at maging miyembro ang lahat ng Philhealth.

Ang pagbuo sa Department of Housing upang mas mapagtuunan ng pansin ang problema sa pabahay nang sa gayun ay wala ng maging iskuwater sa ating sariling bayan.

Ibinahagi ko rin sa ating mga kababayang batangueno ang mga panukalang batas na magbibigay ayuda sa infrastracture project at modern railway system upang mapaunlad ang turismo at kalakalan na tutulong upang magkaroon ng mas maraming trabaho.