Ang aking taos pusong pasasalamat sa Vice Mayors’ League of the Philippines sa imbitasyong maging speaker at guest of honor sa kanilang 2018 3rd Quarter National Executive Board and Academy of Presiding Officers Meeting.

Una kong ibinahagi rito ang aking mga naging karanasan bilang dating Alkalde ng Lungsod ng San Juan sa loob ng siyam na taon.

Masaya ko ring ibinalita sa liga ng mga bise alkalde ang aking isinusulong na Universal Health Care Bill para sa abot kamay na tulong medikal para sa lahat at Creation of Department of Housing na tututok sa kakulangan sa maayos at disenteng pabahay para sa mahihirap.

Higit sa lahat, ang aking adbokasiya sa Massive Infrastructure Development Projects tulad ng Modern Railway at Twin Airport System na naaayon sa Build Build Build Program ng Pangulong Rodrigo Duterte.