Sampung Milyong piso na pambili ng lupa para sa relokasyon ng mga residente at pamilyang naapektuhan ng bagyong Ompong ang hatid namin ng aking kaibigan at seatmate sa Senado na si Sen. Win Gatchalian at NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. sa pagbisita sa Itogon, Benguet.

Bago ito, una ng naglaan ang NHA ng sampung milyong pisong pondo para pambili ng construction materials sa itatayong pabahay para sa kanila.

Bukod rito, iniabot ko rin ang isang milyong pisong donasyon na mula naman sa Lungsod ng San Juan sa pamumuno ng aking inang si Mayor Guia Gomez bilang Sister o Twin City ng Itogon.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing at Resettlement, nakipag uganayan ako sa NHA para sa mabilis na ayuda upang agad makabangon ang Itogon mula sa kalamidad.