SJVE: Well kasi nagkaroon ng outrage ang mga riders nung pagpirma nung Motorcycle criminal act kasi ang akala ng marami yung doble plaka kumbaga dalawang metal plates. Yung sa mga rider naintindihan ko yung kanilang galit kasi yung safety talaga medyo makocompromise kasi pwedeng matanggal yun, lumipad baka yun pa ang tumama sayo. so yun ang number 1, yung safety. Ang maganda si asec galvante ng LTO , very open siya saka in fact mas gusto nya decals in lieu of metal plates either decal or rfid which is even better para maging hitech tayo. ang sabi ko nga sabi ko sa mga riders sa bawat krisis may oportunidad malay nyo yung common complaint nyo na laging nadidiscriminate parang minsan nadadragnet ang tingin sa mga riders ay criminal, chine check point, shine shake down, so hopefully through this we will now pursue na yung lto mag rfid system na, na iiscan na lang verify na lahat di na kinakailangan bumaba, di na kinakailangan magkapkap, hahanapin yung mga OR CR so yun ang magandang development so hopefully through this mabawasan na ang laging common complaint ng mga riders na sila ay hinaharass..

 

 

On Metal Plates

 

SJVE: Sa IRR naman kasi di naman istrikto yung batas na dapat metal plates, nakalagay number plates. ang lumang version nakalagay metal pero ang pasadong version number plates so pwedeng metal ang likod which is acceptable yung harap is either decal or rfid so which is safe. ako bilang rider talagang against din ako sa metal sa harap kasi talagang delikado sa safety, aesthetics syempre sayang ang pogi points, ako rin may motor din ako papanget din naman. di lang yun, yung safety kasi pag yun ay kumalas pwedeng tumama sayo. yun ang main concern ng ating riders kaya medyo masaya naman ako di ko akalain magiging happy, maganda ang kalalabasan, maraming napag usapan na mga concern sa riders so hopefully ito na ang magiging start in the future mabawasan na rin sang harassment

 

 

 

Di na bring up sa deliberation?

 

SJVE: Kasabay ng UHC ito kaya di ako masyado nakaattend dito kaya lang sumagi sa isip yung peace and order tapos yung harassment na rin na sabi ko through the plates or rfid or decals or whatever hopefully mamiminimize na ang harassment.

 

 

On Amendments

 

SJVE: Oo kasi isa pang concern nila ay yung very hefty penalties medyo malaki naman talaga P50,000 may kulong pa, i will ask sen gordon magpapaalam ako sa kanya na magpafile ako ng amendments this coming may na medyo reasonable rates kasi mabigat ang P50,000 parang presyo na ng motor yan eh. at karamihan mga riders ay talagang ordinary employees so mabigat para sa kanila yun, sobrang bigat

 

 

Puwede po ba amendments agad kahit di pa na-implement?

 

SJVE: Siguro yung oversight basta mag aano pa rin ako. i will tell sen gordon na baka pwede ka naman yata basta magkaroon ng adjustments kasi masyado mabigat. halimbawa naifile natin ang batas eh di naman lahat ng batas ay perpekto. at least 1 year before you can file amendments pero kausapin ko na lang siya.

 

 

HABANG WALA PANG AMENDMENTS KUNG ANO ANG NASA BATAS YUN ANG IPATUTUPAD

 

SJVE: Opo pero meron pa tayong time kasi not unless we have the command center in place hindi muna pwedeng magkaso ng ganung kalaki kasi it will be unfair for the riders halimbawa nawala ang plaka nya, nahulog for instance, kailangan within 24 hrs maireport mo. eh kung wala pang command center paano ito maikakalat. so unfair naman na kakasuhan mo siya at magbabayad siya ng P50,000 so ang pakiusap namin sabi namin sa lto hangga’t di tapos ang command center itong implementation ng hefty fines, ipagpaliban muna natin. kasi it will be unfair.

 

 

REASONABLE RATES


SJVE:
 Pag-aaralan muna natin syempre ikokonsulta muna natin sa riders

 

 

 

 

 

KELAN MAIIMPLEMENT?

 

SJVE: Yung IRR hopefully 90 days implementable na ang maganda before the IRR, narinig natin concerns ng riders

 

 

POSTPONEMENT

 

SJVE: Pag marami talagang butas problema siguro yan ang pwede siguro kung pwedeng mapostpone mas maganda, ako syempre sa rider kahit papano ang sentiments ko towards the riders kaya kung pupuwede ipostpone muna pero kung talagang di na yung IRR we will make a way that it should be acceptable. Ma-touch natin yung three main issues, unang una yung plates in front ay dapat decals na or rfid, 2nd yung hefty fines will only be impose pag may command center na. so yun po yun yyung pinakamain concern saka harassment …

 

 

SIZE NG PLATES

 

SJVE: Sabi naman ni Gen. Galvante yung ipinakita niyang sample ay sample lang yun it may become smaller so depende na sa TWG ng IRR ang development. I would suggest kung ano ang pinakabiggest na lang sa buong mundo na meron kasi may study na sa europe man, kasi pag masyado malaki baka ihangin matanggal delikado rin yun sa sumusunod at may nakita ako video na ganun tumusok sa helmet buti di tumagos sa motor na sumusunod kaya siguro makocompromise natin na very visible nga pero makocompromise naman ang safety ng rider o pedestrian sa likod

 

 

EFFECTIVE KAYA SA CRIME PREVENTION?

 

SJVE:  Tingin ko wala namang tao na gagamit ng sarili niyang sasakyan for any crime kasi rehistrado sa kanya matetrace yun kaya nga ang challenge dito siguro ang mga problema dito ang pagsupply ng LTO kaya marami rin ang nagsamantala, motor madali, wala pang plaka, sana ngayon with the new LTO management mabigyan na ng plaka ang lahat para maiwasan na rin ang paggamit sa mga motor sa krimen.

 

 

ECONOMY

 

SJVE: Well ang maganda lang mukhang di na tayo pupunta sa direksyon na yun. mukhang yung metal plates in front mukhang di na maiimplement as asec galvante said mas pabor nila ang decal or rfid kasi nga it would take 2 years para lang makagawa ng mount para sa isang dealer or manufacturer to design a mount para sa plates. siguro yun magandang balita sa lahat ng riders wala nang dobleng metal plates na mangyayari, sticker na lang at metal plate sa likod.

 

 

SHARE THIS CONCERN SA PALASYO

 

SJVE: Siguro pag nagkaroon ako ng pagkakataon to talk to the President. I think he would understand kasi rider sya. i would also talk to Sen Gordon regarding sa mga napagusapan.

 

 

PENALTY NADISCUSSS NAMAN DURING THE CRAFTING OF THE LAW

 

SJVE: Oo nga kaya lang masyadong malaki talaga parang presyo na ng motor talaga yun, pag-aralan natin pero sabi ko nga we can only implement itong mga penalties pag andun na ang command center.

 

 

ANO SABI NG LTO?

SJVE: Sinabi naman nila okay

 

 

KELAN ?

 

SJVE: Gagawin yan baka next year pa that will take at least 2 years kasi sa bidding pa lang 6 months, sa paggawa, infrastructure, software kaya wag magpanic kasi 1 year yung amendment natin after a year pwede na natin ifile…

yun ang sinabi naman ni asec galvante basta register ang vehicle habang wala ang plates pwede nang gamitin, ang wag lang yung unregistered.

 

 

AFTER THE IRR IIMPLEMENT NA PERO BAWAL PA MANGHULI

 

SJVE: Pwedeng manghuli pero ang fines halimbawa pag nahulog not until the command center is operational kasi unfair yan eh kasi kung nahulog lang ang plaka. siguro pwede natin iimplement ang fines pag may command center na.

 

 

 

 

 

 

ANO IIMPOSE ANG FINES?

 

SJVE: Siguro pag nawala ang plaka siguro yung existing at saka kinakailangan maalert ang lahat ng stations. that can only be done pag merong command center pero ngayong manu mano imposibleng madessiminate ang info kaya yun ang mga dapat maaddress yung harassment, shakedown prone talaga ang mga riders nakita ko yan,. may mga nakakasabay ako. di mo rin masisi ang law enforcers natin maraming kriminal ginagamit ang motor. siguro dahil yung plate numbers na hindi nairerelease ng maraming taon, madaling itakas kaya we have to balance. ibalanse ang public safety at concern ng riders

 

 

 

UPDATE SA UHC

 

SJVE: 180 days ang hinihingi (IRR) pero sabi ko kung pwede bilis bilisan ng konti, medyo technical kasi ito.

 

 

MUSTA ANG CAMPAIGN

 

SJVE: Okay naman, much much work has to be done. andun pa rin tayo out of the magic 12 kasi ang surveys has done february, we just started airing my ads last week. at least finally may ads na. zero ads kasi ako from the start. ang hirap talaga. kung makikita nyo ang ansa top 10 lahat may ads

 

 

MAIIBA DAW PAG LOCAL CAMPAIGN NA

 

SJVE: I think so, syempre marami naman tayong natulungan sa local. tutulong naman ang mga yun. marami tayong kaibigan na local officials, so hopefully mag iba pa. and with the ads ang hirap ng zero ads akala ko kaya na ng news ng UHC which is a landmark bill eh di kinaya eh. i have to be honest na nahihirapan din talaga ako mag raise ng funds kaya nga among the candidates i consider myself as a poor candidate compare to them, mahirap paniwalaan pero kitang kita naman sa movement, sa materials sa entourage sa ads i hope it improves.

 

 

TULONG ERAP

 

SJVE: Yung unang pagkikita namin very casual nothing serious. syempre masaya rin ako tagal naming di nag usap tatay ko yun di naman pwedeng mawala yun… hopefully kita kami very soon miss din namin ang isat isa

 

WALA PA SCHED

 

SJVE: Wala pa pero tumatawag na paminsan minsan

 

 

WALA PA ALOK

 

SJVE: Siguro darating naman yun di naman nya matitiis anak pa rin niya ako

 

 

 

BDAY GIFT MAGKAAYOS KAYO NI SEN JINGGOY

 

SJVE: Tingnan natin kung mapagbibigyan ang kanyang bday gift

 

 

DEPT OF WATER

 

SJVE: Ang sa akin dito sa water crisis siguro lahat ng dam prjects na di natuloy dapat nang ituloy. kasi angat dam at lamesa dam yan lang ang ating sources of water sa Metro Manila eh 1960s pa yan ginawa eh ilan lang ang population natin nun. probably morethan tripled or quadrupled siguro ang ating sources of water kailangan madagdagan talaga, ako nagmomotor pagnagbibiyahe nakita ko ang laiban dam andun na mga semento nasimulan na yun nakita ko na ang mga spillway dapat ipursue na natin. dumadami na ang population maghanap na tayo ng sources

 

 

DAPAT BA MAPENALIZE ANG MANILA WATER?

 

SJVE: well dapat bago ang problema na forewarn nila ang public at namanage ng maayos dapat nakapagtipid tayo dapat maging conscious na ang lahat very scarce ang water. ako nga inuubos ko na ngayon. di na ako nagoorder pa di kailangan ganun mga restaurants wag na kayo magserve ng water pag di humihingi we have to conserve water kailangan effort ng lahat ito.