Napakainit na pagtanggap ang sumalubong sa akin mula sa mga miyembro ng Homeowners Associations ng City of San Jose Del Monte, Bulacan sa idinaos na Consultative Meeting upang personal ko na marinig ang mga problema sa pabahay ng National Housing Authority.

Binisita ko din ang mga housing units upang personal na malaman kung angkop ang mga ito na maging tahanan ng mga benepisyaryo.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Housing ay nararapat lamang na aking siguruhin na maayos ang kalagayan ng ating mga kababayan sa proyekto ng NHA.