Ang Ospital ng Nasugbu at Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Lalawigan ng Batangas ang sumunod kong pinuntahan para inspeksyunin.

Sa aking pag-iikot sa bawat pampublikong ospital, iisa ang aking naobserbahan, ang kakulangan sa mga pasilidad at kagamitang medikal.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Health and Demography, patuloy kong hinahanapan ng paraan upang masolusyunan ang problemang ito.

Kamakailan lamang, mahigit limampung pampublikong ospital SA BUONG BANSA ang naaprubahan sa Senado sa ilalim ng aking panukalang madagdagan ang kanilang bed capacity.

Kaya naman patuloy na makakaasa ang ating mga kababayan na pipilitin nating makamtan ang mas maginhawang buhay sa ilalim ng aking panunungkulan.