Bilang dati ring Mayor ng Lungsod ng San Juan, marahil isa na sa pinakamasarap na pakiramdam na makita mo kung paano umunlad at umasenso ang iyong nasasakupan mula sa lugmok ng kahirapan sa panahon ng iyong pamumuno.

Nakatutuwang sariwain na ang Lungsod ng Maynila na dating baon sa utang at tila halos napabayaan na, ngayon ay larawan ng isang progresibong bansa.

At ang lahat ng ito ay nasaksihan ko sa panahon ng panunungkulan ng aking amang si Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Ito rin ang nais ko sanang mangyari para 
sa ating bansa, isang pangarap na magkaroon ng maginhawang buhay at sinimulan ko sa pamamagitan ng pagsulong at pagpasa ng dalawang mahalagang batas na may kaugnayan sa pabahay at kalusugan na siyang magbibigay ayuda sa mahihirap nating mga kababayan.

Sa buong tiwala at suporta ninyong mga manilenyo, mas marami pa tayong magagawa, hindi ito magiging madali pero naniniwala ako na unti-unti nating makakamit ito kung tayo ay sama-sama.