Naniniwala akong susi sa pag-unlad ng isang bayan kung may maayos na Road Network.

Sa pamamagitan ng mga Access Road at Farm to Market Road, bibilis ang kalakalan na siyang magbibigay daan sa mas marami pang trabaho at kalauna’y magandang takbo ng pamumuhay sa mga kanayunan.

Kaya naman masaya akong maging bahagi sa inagurasyon ng Barangay Road ng Paloc Sool, Dumangas, Iloilo City sa imbitasyon ng aking matalik na kaibigang si Mayor Onal Golez.

Binabati ko kayo sa tagumpay na ito at mas makakaasa pa kayo na buo ang aking suporta sa hangarin nating lahat na mas maginhawang buhay.