Personal kong binisita ang Northern Mindanao Medical Center (NMMC) upang aktwal na makita ang kalagayan ng mga pasyente at ng mga pasilidad nito.

Nakatutuwang malaman na under construction at malapit nang matapos ang karagdagang gusali ng NMMC sa Cagayan de Oro City kung saan mas magiging maayos ang pagbibigay ng health services sa ating mga kababayan.

As Chairman of Senate Committee on Health, ito ang dahilan kaya mariin kong tinututulan ang budget cut para sa Department of Health. Ito ay may matinding epekto sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng gobyerno na sa huli ay taumbayan ang mahihirapan.

Dapat ay patuloy ang pag-prioritize sa paglalaan ng budget sa mga health facilities na nasa 70 to 80 per cent na ang konstruksyon ng mga dagdag na gusali ang nagagawa at ilang panahon na lang ay patapos na upang kahit paano ay matugunan natin ang overcrowding sa mga pampublikong ospital.

Patuloy ang ating pagsisikap na mas lalo pang mapabuti at maisaayos ang pagbibigay ng serbisyong medikal para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng aking isinusulong na Universal Health Care (UHC) program. Inaasahan na ang UHC ay ganap nang magiging batas sa buwang ito ng Oktubre.

Abot kamay na ang Ginhawa para sa Bayan!