Aprubado na sa second reading sa Senado ang aking panukalang pagtatatag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Kapag batas na ang panukalang ito, bibilis na ang pagbibigay ng pabahay sa ating mga kababayan. Ang DHSUD ang tanging ahensiya na babalangkas ng mga polisiya, plano, at mga patakaran para sa programang pabahay ng gobyerno.

Ang DHSUD din ang magmomonitor upang masigurong tama, maayos at kumpleto ang mga proyektong pabahay bago ipamahagi sa mga beneficiaries.

Umaasa ako na maipapasa na natin ito sa third and final reading sa susunod na linggo. Salamat sa aking mga kasamahang senador sa kanilang suporta sa landmark legislation na ito.