Ang sarap talaga libutin ang napakagandang mga lalawigan ng Pilipinas gamit ang motor.

Nakarating rin ako ng Aparri, kaya’t dul’t dulo ng Pilipinas napuntahan ko na.

Inikot natin ang probinsya ng Isabela, Quirino, Cagayan at Apayao, sa mga pagkakataong ganito ay nabibisita natin ang magagandang lugar sa Pinas at naisasabay natin ang pagiging lingkod bayan sa pagbisita sa mga health facilities at pagkausap sa mga government officials.

Maraming salamat sa mga local executives at mamamayan ng mga lalawigan na aking napuntahan sa napakainit na pagtanggap.

Kay ganda ng Pilipinas!