Muli kong binalikan ang BGHMC matapos aprubahan at pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang aking panukalang batas na dagdagan at gawing 800 bed capacity mula sa dating 500 lamang na bed capacity nito.

Sa pagkakataong ito, ang relokasyon ng mga informal settlers ang naging sentro ng aming naging pulong.

Hindi kasi magamit ang ilang bahagi ng lupang pagma-may ari ng ospital na balak sanang pagtayuan ng mga bagong gusali at pasilidad matapos nila itong okupahin.

Kasama si NHA Gen. Manager Marcelino Escalada Jr. at Medical Center Chief Dr. Ricardo Runez Jr., pinag-usapan namin ang ilan sa posibleng hakbang upang masolusyunan ang problemang ito tulad ng pagbabayad sa mga informal settler o pagpapatayo ng abot kayang halagang proyektong pabahay para sa kanila.

Natalakay rin namin ang tungkol sa budget cut ng DOH sa susunod na taon na mariin kung tinututulan dahil sa magiging masamang epekto nito sa paghahatid ng de kalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan sa Cordillera at karatig probinsiya.