Hindi naman sa dinidipensahan ko si Senador Robinhood Padilla, nguni’t nakikita ko naman na siya ay nag-aaral at talagang pumupunta sa mga hearings at sumasama sa mga diskusyon para matuto at makibahagi.
Siya rin ang talagang gumagamit ng ating sariling wika sa mga deliberasyon, sa kumite man o sa plenaryo.
Yung nag viral na video tungkol sa isa sa mga session namin kamakailan ay nangangahulugan na dapat magsanay na rin ako at ang mga kasama ko sa paggamit ng parliamentary terms na nakasalin sa Filipino.
Ipinaalala sa akin ng legislative staff ng Senado na iyon na pala ang tamang motion at hindi ko po ito napansin dahil nasanay ako sa Ingles na parliamentary terms at procedures. Yes, it was a lapse on my part that I didn’t notice it was already the proper motion in Filipino.
Wala naman pong perpekto. Lahat po tayo ay nag-aaral at natututo sa ating mga buhay. Life is a continuous learning process.
Maraming salamat, Sen. Robin, sa paggamit ng ating sariling wika at sa pagpapaalala sa amin na kailangang magsanay pa tayo rito. ... See MoreSee Less
Photo